Masarap makuha ang lahat ng gusto mo lalo na
kapag ito yung taong pinaka mamahal mo.
lahat ng bagay ginagawa mo para lang mapasayo
sya. kahit mag muka ka ng ewan sa harap ng ibang tao
nagagawa mo na para lang mapansin ka nya, para mabaling
ang atensyon nya sayo at sa ginagawa mo.
Pero ito ba talaga ang solusyon? hindi bat parang sayang sa oras?
ayan ang mga tanong na kahit alam na ang sagot ay pinapabayaan na
lamang dahil kapag nag mahal ng tao wala na itong napapakinggan at nagiging
desperado na kahit alam naman na walang mangyayari.
Gusto mo nga sya, ginagawa mo nga ang lahat para lang sakanya, pero kailan ba
nya nasuklian ang pag mamahal na inaasam mo? kailan ba nya inintindi ang
pag mamahal na hinahanap mo? kailan ba nya inisip ang sakripisyo at pagod mo sa
pag papasaya sakanya? at Kailan ka ba nya minahal?
Masakit ang mga tanong na yan at mas masakit naman ang sagot sa tanong
na yan pero iyan ang totoo.
Lumuha ka man ng isang libong beses, magpakahirap ka man para mapasaya sya
basta’t hindi ka nya mahal o gusto USELESS lang dahil hindi kahit kailanman
matuturuan ang puso na may nag mamay-ari na . tama?
![]()